Horoscope, July 23, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang bumili ng bagong cell phone. Sapagkat anomang gamit na may kaugnayan sa kumunikasyon lalo na’t powder blue ang kulay o kaya’y kulay metal at bago ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte at magagandang kapalaran sa pag-ibig at maging sa materyal na bagay. Mapalad ang 5, 9, 14, 27, 32, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.” Bukod sa powder blue at kulay metallic, mapalad karin sa silver, white at gray.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ito ang araw na dobleng gantimpala ag ipagkakaloob sa iyo ng langit. Basta ang mahalaga wag kang magaalinlangan sa iyong kakayahan at wag kang magdadalawang isip. Sa pag-ibig, tama ang desisyon mo na sumundo muna sa kasuyong maangas. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lavender ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ang pagpapanatili ng kalusugan ay mahalaga ngayong panahon ng tag-ulan. Habang patuloy ang pagiging malusog, tuloy-tuloy din ang dating ng magagandang kapalaran. Sa pag-ibig hindi puwedeng hindi pagbigyan ang kasyuyo, dahil ang pagbibagy sa kanya ay magdudulot din sa iyo ng kaligayahan. Mapalad ang 3 17, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kung magnenegosyo siguraduhin aliwalas at may pumapasok na sariwang hangin sa puwesto ng iyong kahera o lalagyan ng pera. Sa pag-ibig mapalad ka sa isang nilalang na medyo mababa ang height at medyo chubby ang hugis ng katawan. Mapalad ang 6, 12, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Pink at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ang pagiging masaya ang dapat na bigyang prayoridad ngayong tag-ulan. Habang masaya ka tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magadang kapalaran., Sa pag-ibig, mag-isip ng gimmick na kapwa kayo magiging maligaya ng kasuyong madalas na nangungulit. Mapalad ang 2, 17, 19, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Om.” Purple at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sumama sa mga social activities, para magkapera. Sa pag-ibig, sa pagsawsaw sa politika, at pagsali sa iba pang mga social gatherings matatagpuan ang true love. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vanjur-Veda-Om.” Green at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Taurus. Kung walang mahagilap na Taurus, sa isang Libra makakaranas ng masarap na romansa. Mapalad ang 8, 11, 20, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om.” Gold at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sabihin mong lagi: “Salamat po O Lord!” sa ganyang paraan maraming suwerte ang kusang darating. Sa pag-ibig ngayon pa lang iplano na ang gagawing pagda-date ninyo ng kasuyo sa isang pribadong lugar. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Gray at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Laging sabihin sa sariling: “Makakapera ako!” Kapag lagi kang ganyan, lilipas ang siyam ba araw, kusa ka ngang magkakapera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, simple lang ang mantra: “Masarap na romansa at tapat na pag-ibig sumanib ka sa akin!” Mapalad ang 2, 16, 25, 29, 42, at 49. Yellow at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa produktong agrikultura at pagkain mas madaling yayaman. Sa pag-ibig, mag-ingat, may isang illicit love affair na biglang mabubuo kasabay ng masungit na panahon. Mapalad ang 3 15, 21, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: Aum-Jai-Guro-Devah-Om.” Violet at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pag-ibig ang kasuyo ay kasalukuyan ng nananabik sa iyong lambing at romansa. Sa pinansyal, mentras maraming trabaho kasabay naman nitong aangat ang libido. Mapalad ang 6, 12, 21, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja.” Red at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — May mag te-text. Isang kakilala na malaon ng may pagtingin sa iyo, pagkatapos nito, may isang biglaang romansang mabubuo. Sa pinansyal magpapaluwal ka na naman, umiwas sa mga kaibigang mahilig mang-buraot. Mapalad ang 5, 11, 22, 37, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanm-Kebalam.” Gray at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag makikipagtalao sa mga makikitid ang utak. Sa pinansyal lalong pag-igihan ang pagkukuripot upang mas mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang payat na matangkad na nilalang. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanm-Kebalam.” Orange at purple ang buenas

Read more...