NARANASAN na ni Edgar Allan Guzman ang maging martir sa pag-ibig kaya naman effortless na ang pag-prortray sa role niya sa pelikulang “Pinay Beauty (She’s No White)” na isa sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.
Pero natuto na raw siya, ayon sa pahayag ni EA sa presscon ng kanyang latest movie directed by Jay Abello.
Ang award-winning actress na si Chai Fonacier ang lalabas na girlfriend niya sa movie. Dito big time na si Chai dahil bidang-bida na siya matapos maging supporting sa kanyang past movies.
Biglang umingay ang name ng indie actress nang magsunud-sunod ang pagtanggap niya ng best supporting actress award.
Ang huli niyang natanggap ay galing sa 2nd EDDYS mula sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) for “Respeto”. Kaya naman ang maging full-pledged leading lady ni EA Guzman ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya, huh!