Willie pinipilit ng kampo ni Duterte na kumandidatong senador sa 2018

WILLIE REVILLAME

NAKATAKDANG makipag-usap sa Lunes nang umaga, bago ang SONA, si Willie Revillame sa isang pulitiko para maglatag sa kanya ng isang makabuluhang alok.

Matagal nang umiikot ang balita na nililigawan ang aktor-TV host para tumakbong mayor ng Quezon City, binabalik-balikan siya ng mga leaders ng siyudad, pero wala pa siyang desisyon kung papasukin niya na ang mundo ng pulitika.

Biglang nagbago ang sitwasyon dahil sa pag-uusap nila ng isang pulitikong napakalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes nang umaga ay mas malawak na ang posisyon na kailangan niyang pag-isipang mabuti.

Ayon sa aming source, “Kinukuha siyang maging kandidato for senator ng kakausapin niyang politician. Malakihan na ito, hindi na Quezon City lang ang iikutan ng usapan nila, pangbuong bansa na..

“Ang katwiran ng mga nanliligaw sa kanya, e, bakit kailangang sa Kyusi lang ang position na hahangarin niya, samantalang buong bayan ang nagmamahal sa kanya?” madiing pahayag ng aming kausap.

Ang totoo ay hindi lang ang buong bayan ang nagmamahal kay Willie Revillame, siya rin ang iniidolo at ginagawang gamot na hindi nabibili sa alinmang botika ng mga Pilipino sa iba-ibang bansa, malawak ang naaabot ng kanyang programang Wowowin.

Maraming buhay na ng mga nagdarahop nating kababayan ang binago ni Willie sa pamamagitan ng mga papremyo sa kanyang programa, matulungin siya sa mahihirap, ‘yun ang alas na nakikita sa kanya ng mga pulitiko na magpapanalo sa kanya.

Read more...