Andre Paras saludo sa naging desisyon ni Kobe

SUMALUDO si Andre Paras sa desisyon ng nakababatang kapatid na si Kobe na manatili sa bansa at piniling maglaro sa University of the Philippines, ang pinagmulang varsity team sa UAAP ng ama nilang si Benjie Paras.

Ipinaalam din ni Andre na hindi siya nakialam sa desisyon ni Kobe, “I am very, very happy with his decision. Mas marami na kaming oras para mag-bond,” saad ni Andre nang makausap ng press sa taping ng GMA singing search na The Clash.

Sila ni Joyce Pring ang backstage hosts sa contest bilang mga Clashmates.

Naglalaro rin ng basketball ngayon si Andre sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Dahil aktibo pa siya sa mundo ng showbiz, nag-set naman si Andre ng edad kung kailan niya isesentro ang utak sa basketball.

Read more...