Tetay umaming nagkulang din kay Vice: Na-disappoint ko siya!

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

WALANG galit si Kris Aquino sa kanyang kaibigan o dating “asawang” si Vice Ganda.

Kamakailan ay kumalat ang balitang may tampuhan o samaan ng loob ang dalawa kaya hindi na sila nagkikita ta nag-uusap. Maraming netizens kasi ang nakapansin na parang walang suportang ibinigay si Vice sa comeback movie ni Kris na “I Love You, Hater.”

Isang Instagram follower ng Social Media Queen ang nagtanong kung galit ba siya kay Vice?

Ito ang diretsong sagot ni Kris, “As much as the ‘spoofing’ has hurt me – I cannot find it in my heart to be angry at my former ‘asawa’ – I have one reason – matagal nang nag-drift apart pero birthday ni Bimb this year, gumawa siya ng paraan para lang personal na tumawag – something Bimb’s own father did not do. Mahal ni Bimb si Vice.

“Bali-baliktarin natin ang mundo pag minahal na ng anak ko at hindi nakalimot sa anak ko – dedma na kung talikuran ako.”

“Si (Vice Ganda) mahalin man niya ako o hindi, kaibiganin man niya ako o hindi – dahil hindi niya kinalimutan ang bunso ko – okay na ko.

“Nagkulang din naman ako – nag-request sila ng special appearance – actually a ‘surprise’ role sa movie niya noong MMFF 2017 – nag NO ako kasi ayaw maipit sa banggaan nila ni Coco (Martin). I chose to play safe because I was just rebuilding. And I can in all humility accept – na disappoint ko rin siya. So please for my sons – can we just embrace peace?”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang 2017 Metro Manila Film Festival entry ni Vice na “Gandarrapido: The Revenger Squad.”

Read more...