#WalangPasok sa QC sa Lunes para sa SONA ni DU30

INIHAYAG ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, pribado o pampubliko man para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 23, 2018.

“#Partnerforchange QC classes, all levels, public and private suspended on Monday, 23 July 2028. #SONA2018,” sabi ng opisyal na Facebook page ni Bautista.

Nauna nang nag-abiso ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko na manatili na lamang sa kani-kanilang bahay para makaiwas sa trapik sa harap naman ng inaasahang mga kilos-protesta na isasabay sa SONA.

Read more...