DOJ ipinag-utos ang pagsasampa ng kaso vs Kerwin, et al. matapos baliktarin ang naunang desisyon

IPINAG-UTOS ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban sa umamin na distributor ng droga na si Kerwin Espinosa, ang convicted drug lord na si Peter Co at apat na iba pa.

Sa isang resolusyon, binaliktad ng bagong binuong panel ng DOJ ang naunang desisyon noong panahon ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre na nagbabasura sa kaso laban sa sinasabing drug lord dahil umano sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Hindi naman kasama sa naging resolusyon si Peter Lim dahil hiwalay ang isinasagawang preliminary investigation at hinihintay pa ang resolusyon nito.

Matatandaang umani ng mga pagbatikos ang desisyon ng DOJ matapos namang iabswelto si Espinosa at iba pang drug lord.

Read more...