Nahuli si Radden Canasa Argomido, 36, ng pinagsanib na operatiba mula sa National Capital Region Police Office-Regional Special Operations Unit (NCRPO-RSOU) at Police Regional Office 4-A matapos ang isinagawang operasyon noong Martes.
Iprinisinta ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang suspek sa media sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Noong Enero, nag-viral ang selfie ni Argomido sa isang police station kung saan makikitang hinahamon niya ang mga otoridad na arestuhin siya.
Ginamit ang litrato para maaresto si Argomido matapos namang ituro sa mga pulis ang kanyang kinaroroonan ng isang nakakita sa kanyang post sa Facebook.
Napatunayang guilty si Argomido noong Nobyembre 23, 2016 dahil sa kasong rape noong Pebrero 2013.
Nagtago na ito matapos ang desisyon.
Noong Enero 1, o makalipas ang halos dalawang taon, sinaksak ni Argomido ng 15 beses ang tatay ng biktima, bagamat nakaligtas ang biktima.