SAMPUNG manlalaro ng Gilas Pilipinas at dalawa nitong coach ang pinatawan ng suspensyon ng FIBA sa partisipasyon nito sa kaguluhang naganap sa World Cup Asian Qualifiers game sa pagitan ng Pilipinas at Australia noong Hulyo 2 sa Philippine Arena.
Tatlong manlalaro naman sa panig ng Australia ang sinuspindi ng FIBA base sa inilabas na opisyal na pahayag mula sa FIBA Disciplinary Panel sa Mies, Switzerland na may petsang Hulyo 19, 2018.
Si Calvin Abueva, na pumasok sa playing court mula sa bench para makipagsuntukan sa mga Australyano, ay may pinakamabigat na kaparusahan. Siya ay pinatawan ng anim na larong suspensyon.
Suspended naman ng tig-limang laro sina Roger Pogoy, Carl Cruz at Jio Jalalon ng Pilipinas at Daniel Kickert ng Australia.
Sumabog ang kaguluhan nang ginantihan ng siko ni Kickert ang “hard foul” na ibinigay ni Pogoy kay Chris Goulding ng Australia sa third period ng laban.
Sina Terence Romeo, Jayson Castro William, Andray Blatche at Jeth Troy Rosario ay pinatawan ng tigatlong larong suspensyon habang sina Japeth Aguilar at Matthew Wright ay sinuspinde ng tig-isang laro.
Sa panig ng Australia, tumanggap din ng three-game ban si Thon Maker at si one-game suspension si Goulding.
Suspended din ng tatlong laro ang assistant coach ng Gilas na si Jong Uichico na tumulong sa pagkuyog ng mga Gilas players kay Goulding.
Wala naman parusang ibinigay sa mga Gilas players na hindi nakisali sa gulo na sina Gabe Norwood, Baser Amer at June Mar Fajardo.
Si Gilas head coach Chot Reyes naman ay mawawala ng isang laro at pinagmulta ng siya ng
FIBA ng CHF10,000 o katumbas ng P534,834 for “inciting unsportsmanlike behavior.”
Pinatawan din ng parusa ang national federation ng Pilipinas na Samahang Basketbol ng Pilipinas, Inc (SBP) para sa “unsportsmanlike behavior of its delegation members and of its public,” pati na rin sa “insufficient organization of the game.”
“Philippines will play the next home game behind closed doors while a ban for two more home games has been placed under a probationary period of 3 years. SBP shall also pay a disciplinary fine of CHF 250,000 (P13,373,002),” ayon sa FIBA.
Sinuspinde rin ng FIBA ang officiating crew na namahala sa laro.
Ang Basketball Australia ay magbabayad ng disciplinary fine na CHF100,000 (P5.34M) para sa unsportsmanlike behavior ng mga manlalaro nito pati na rin sa “for abusing and/or tampering of equipment, after having removed floor stickers from the court on the eve of the game.”
Ang makukuhang kabayaran mula sa mga multa ay gagamitin naman sa pagsuporta sa “Basketball for Good” social program na inilunsad ng International Basketball Foundation (IBF).
Hindi din nakaligtas matapos ang “thorough evaluation” ng mga group of experts sa mga nag-officiate sa laro.
Nagdesisyon ang FIBA secretary-general na ang tatlong referees na namahala sa laro “shall be removed with immediate effect from the FIBA Elite Program and shall not be nominated to any international competitions organized or recognized by FIBA (including at Zone and Sub-zone level) for a period of one year.”
Ipinahayag din ng FIBA na kinukundina nito ang anumang porma ng “violence” sa loob o labas man ng playing court.
“Respect, sportsmanship and professionalism are expected from players, coaches, officials and all other stakeholders at every game. Moreover, host countries must ensure the highest standards of organizational conditions are in place to guarantee the safety and well-being of players and other participants at all times,” ayon pa sa pahayag ng FIBA.