Sinabi ni Eleazar na kabilang sa tinanggal sa pwesto ay sina Police Officer (PO) 1 Erdie Bautista, PO1 MJ Cerilla, PO3 Michael Chavez, PO3 Dindo Encina, PO1 Arcadio Orbis, at PO1 Martinico Mario matapos magtangkang mangokil sa mga suspek na umano’y sangkot sa human trafficking, na naaresto sa Sta. Mesa district.
Pawang mga miyembro ng All police District Special Operations Unit (DSOU) ng Manila police.
Naaresto sina Bautista at Cerilla sa isang entrapment operation ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) sa loob ng MPD headquarters ganap na alas-12:30 ng umaga.
Samantala, pinaghahanap pa rin ang apat na iba pa.
Idinagdag ni Eleazar ipinag-utos na rin niya ang pagsibak kay DSOU head Chief Insp. Joey de Ocampo dahil sa “command responsibility”.
Ililipat ang mga nahuling operatiba sa ng DSOU sa
NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City habang inihahanda ang kaso laban sa kanila, sabi pa ni Eleazar.
“While they are facing criminal charges para sa kaso na ‘yon after which ay makulong sila, doon po sa kasong administratibo ay itutuloy-tuloy po natin…ang pinaka intensyon po natin ay masibak sila sa serbisyo per due process,” sabi ng NCRPO chief sa panayam ng Radyo Inquirer.
Noong Miyerkules, naaresto ng mga miyembro ng DSOU ang walong suspek na sangkot umano sa human trafficking, na kalaunan ay hiningan nila ng P100,000 kapalit ng kanilang kalayaan.