Mike Tan magiging tatay na; baby may dalang swerte

MAGIGING tatay na ang Kapuso artist na si Mike Tan. Pagkatapos niyang mag-announce ng anniversary ng wedding proposal niya sa kanyang asawa, ipinost naman niya sa kanyang Instagram ang isang picture kung saan yakap-yakap niya ang pregnant wife.

Bumuhos ang pagbati kay Mike mula sa kanyang followers at kapwa Kapuso stars dahil sa caption niyang, “Children are a gift from the Lord, they are a reward from Him –Psalm 127: 3.”

Eh, mukhang may dalang suwerte ang magiging baby ni Mike dahil mahaba pa raw ang tatakbuhin ng GMA afternoon series niyang Hindi Ko Kayang Iwan Ka kasama sina Yasmien Kurdi, Jackie Rice at Gina Alajar.

Read more...