Baeby Baste magaling na, Balik-Eat Bulaga

NAKALABAS na ng ospital si Baeby Baste matapos ma-confine nang ilang araw sa ospital dahil sa dengue.

Sumalang agad ang bagong child wonder sa Eat Bulaga para muling paligayahin at patawanin ang mga Dabarkads.

Game na game na uli sa pagdyo-joke si Baste na parang hindi nagkasakit, huh!

Todo rin ang pasasalamat ng youngest EB Dabarkads sa mga nagdasal at nagpadala ng “get well soon” wishes sa kanya.

“Daghang salamat po Lord, Padre Pio. Eat Bulaga at sa atong mga Dabakads na nag-pray po sa amin ni Samsam (younger brother niya). Narinig po ni Lord ‘yung mga dasal ninyo…nating lahat.

“From the bottom of my heart and namamagang liver and spleen, daghang salamat po sa kaninyong tanan,” pahayag ni Baeby Baste.

Read more...