JESSY MENDIOLA kay JM: Sana bumangon siya at maibalik yung dating buhay niya!

KOREK naman ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na hindi siya ang dapat sisihin kung totoong napariwara man ang buhay ng ex-boyfriend niyang si JM de Guzman. Ayon kay Jessy, wala siyang intensiyon na sirain ang buhay ng aktor.

“Masakit po (ang sisihin) kasi habang kami naman po sinubukan ko naman po siyang alagaan, kaya nga po nagagalit sa akin ang pamilya ko kasi sa kanya lahat nababaling ang atensyon ko.

“Minahal ko po talaga si JM, lahat-lahat po binigay ko sa kanya kaya pagsinasabi nilang ako ang may kasalanan kung bakit nasira siya, kung bakit nagpabaya siya, nasasaktan po ako kasi sinubukan ko naman po lahat para matulungan siya.

I really tried my best. Hindi niya matulungan yung sarili niya eh. Kailangan muna niyang tulungan yung sarili niya bago siya matulungan ng iba,” sey ni Jessy sa  The Buzz.

Ito naman ang mensahe niya sa dating karelasyon, “Sana bumangon siya at sana maibalik yung dating napakagaling, napakahusay at napakabait na aktor.”

Samantala, marami na ang nag-aabang sa pagsisimula ng Pinoy version ng hit Mexican series na Maria Mercedes na pagbibidahan  ni Jessy. Makakasama ng aktres dito sina Jake Cuenca at Jason Abalos.

Ito’y sa direksiyon nina Chito Roño at Rechie del Carmen. Gaganap na nanay ni Jessy dito si Vina Morales.

Read more...