Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na dapat alisin ng pulisya ang kanilang rape reminder sa Facebook account nito.
“This is a classic case of victim-blaming and gross misinformation on rape. This rotten mindset being perpetrated by the state authorities themselves certainly emboldens perpetrators to commit rape and further puts women in a difficult situation,” ani Brosas.
Iginiit ni Brosas na hindi krimen ang pagsusuot ng short skirt ng mga babae gayundin ang pag-inom.
“We are correcting the Angono PNP: Short skirts don’t cause rape. Drinking does not cause rape. Rapists do cause rape. The misogynist exhortations by the President do cause rape.”
Sinabi ni Brosas na hindi rin masisisi ang mga biktima kung natatakot sila na pumunta sa pulisya dahil sa mga nababalita na ginagawang pang-aabuso ng mga pulis.
“How can women ask assistance from the same uniformed personnel who execute strip shows and gang rape inside their precincts?”
Susulat ang Gabriela sa Angono PNP upang ipaalis ang kanilang post at himukin ang mga pulis na dumalo sa gender sensitivity at anti-Violence Against Women and their Children training.”
Ayon sa Facebook post ng Angono PNP, ‘upang makaiwas sa rape’ ay huwag magsusuot ng maiigsing damit, huwag iinom ng alak, huwag iiwan ang inumin baka may ilagay na gamot, at iba pa.