Tiniyak naman ng QCPD na nakahanda na ang kapulisan para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
“Yung mga taga-Quezon City, kung wala naman kayong lakad, stay at home. Pero yung talagang magtatrabaho, syempre kailangan ng pang-hanapbuhay, trabaho lang sila, ina-address naman namin yung traffic control. Yun din naman ang gusto nila [protesters] na di makaapekto sa traffic although mae-exercise nila yung right to express and freedom of speech,” sabi ni QCPD District Director chief Supt. Joselito Esquivel Jr.
Nag-inspeksyon si Esquivel, kasama sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar at mga lider ng mga militanteng grupo sa mga lugar na inaasahang dudumugin ng mga magpoprotesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ganap na alas-2 ng hapon sa Hulyo 23, isasara ang kahabaaan ng north-bound lane ng highway magmula sa Home Depot to Lido Restaurant para pagbigyan ang mga raliyista na aabot sa 20,000.
Idinagdag ni Esquivel na ipapatupad ang road closure hatinggabi sa Lunes at isasara ang lahat ng lane kapag nagsimula nang magmartsa ang mga raliyista ganap na alas-2 ng hapon.