Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naging isa ng bagyo ang binabantayan nitong low pressure area sa silangan ng bansa.
Hindi naman inaasahan na magla-landfall ang bagyo. Sa Sabado ito inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility kung hindi magbabago ang bilis at direksyon.
Ang bagyo ay mayroong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 65 kilometro bawat oras ang bilis.
Umuusad ito sa 15 kilometro bawat oras patungong silangan.
Ngayong araw ay nagbigay naman ng libreng sakay ang Joint Quick Response Team sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay Aileen Lizada, spokesman ng JQRT mayroong mga trak at bus na nagbigay ng libreng sakay sa Commonwealth Circle patungong Quiapo, Manila; Monumento, Caloocan papunta sa Pedro Gil Street, Manila; US Embassy papuntang Baclaran, Manila; at EDSA-Timog, Quezon City pa-Taft Avenue, Manila.