K Brosas napamura sa kaseksihan ni Lovi: Sensya na, inggitera lang!

HINDI lang mga Kapuso stars ang humahanga sa kaseksihan ni Lovi Poe. Panay-panay pa rin ang pagpo-post ng aktres sa kanyang Instagram account ng kanyang mga sexy photos.

Ang latest IG post ng Kapuso actress ay ang poster niya para sa latest ad campaign ng isang underwear brand na kanyang ine-endorse. Kitang-kita sa nasabing litrato ang mas sumeksi pang katawan ng dalaga na resulta ng kanyang pagwo-workout. Ilan sa mga nag-comment sa post ni Lovi ay ang beauty queen na si Maxine Medina at ang TV host-businessman na si Tim Yap.

Napamura naman sa paghanga sa katawan ni Lovi ang comedienne na si K Brosas, “Huy, minsan abusado ka na kaseksihan…syet. Ayan napa comment na talaga akey. Hihihi! (close…chos!) sensya na inggitera lang!”

Read more...