‘Buy Bust’ ni Anne umani ng papuri sa NY Asian Film Festival

BUTAS ang bulsa ni direk Erik Matti habang nasa New York dahil sa pagiging adik niya sa sapatos.

Sa Instagram ng kaibigan niyang si Dondon Monteverde may kuha siya habang nagsusukat ang direktor ng sapatos sa isang mall.

Nasa NY si Matti para dumalo sa screening ng pelikulang “Buy Bust” sa New York Asian Film Festival. Ayon sa report, umani ito ng papuri mula sa mga nakapanood.

Todo rampa naman si Anne Curtis suot ang kanyang mamahaling gown. Feeling proud siya lalo na’t nagustuhan ng mga taong dumalo sa festival ang una niyang pagsabak sa action film.

Samantala, nabigyan ng Grade A ang “Buy Bust” ng Cinema Evaluation Board na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Aug. 1.

Read more...