Pasa at galos ni Barbie sa katawan kitang-kita sa bagong IG photo

WALANG planong manahimik at magpatalo sa bashers at haters si Barbie Imperial.

Sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan nila ng ex-boyfriend na si Paul Salas, muling nag-post ang dalaga ng litrato sa Instagram kung saan makikita ang mga pasa at galos niya sa katawan.

Kasama ng Kapamilya actress ang kanyang inang si Bing Imperial sa IG photo na may caption na: “I am strong because a strong woman raised me. You’re all I need mama. I love you. Thank you @imperial_bing.”

Siyempre, kanya-kanyang reaksyon na naman ang netizens nang makita ang mga pasa ng dalaga sa braso, at ang nagkakaisa nilang tanong: Sino ang may kagagawan nito?

Bukod dito, nag-post din si Mrs. Bing ng larawan ng anak na may mensaheng, “Maraming nagmamahal sayo.”

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng official statement sina Barbie at Paul tungkol sa kanilang break-up at sa diumano’y matinding pag-aaway ng dalawa dahil kay JM de Guzman.

Read more...