AlDub loveteam matatag pa rin, hindi kayang itumba ng mga intriga

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

HINDI nakalimot sina Alden Richards at Maine Mendoza na magpasalamat sa AlDub fans pati na sa iba pang grupo ng supporters kaugnay ng 3rd anniversary ng kanilang loveteam last July 16.

Sa kani-kanilang Twitter at Instagram accounts ay inihayag ng dalawang Dabarkads ang tinatanaw nilang utang na loob sa fans and followers na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

“Happy 3rd anniversary. Maraming maraming salamat po sa lahat ng patuloy na nagmamahal sa amin. #ADUB,” caption ng Pambansang Bae sa picture nila ni Meng.

“Happy anniversary, AlDub and ADN. Maraming salamat sa tatlong taong pagsuporta sa amin ni Alden #ALDUB3Years,” tweet naman ng Dubsmash Queen.

Pati ilang celebrities at mga endorsement ng dalawa ay nakibati rin sa anibersaryo ng phenomenal loveteam na hanggang ngayon ay nananatili pa ring matatag sa kabila ng walang humpay na challenges, huh!

Read more...