Kapuso oppa Alexander Lee natakot katrabaho si Maine: Because she’s a phenomenal star here!

NASA Pilipinas uli ngayon ang Korean actor and GMA Artist Center resident na si Alexander Lee para sa isang espesyal na handog sa kanyang mga Filipino fans.

Isa sa mga pagkakaabalahan dito sa bansa ng dating ka-loveteam ni Heart Evangelista sa seryeng My Korean Jagiya ay ang pag-revive sa kanyang singing career.

Ipo-promote ni Alexander ang bago niyang single kasama ang kapwa Korean singer na si Marruci. Tatawaging AXM ang kanilang collaboration at gagawa sila ng mga kantang magbibigay inspirasyon at magpapasaya sa kanilang Pinoy and Korean followers.

Sa kanyang Instagram post ay nagpatikim si Alexander sa kanyang latest project na may caption na, “The reason why I’m in the Philippines: Music collaboration project (Alexander X Marucci).

“Keep Ya Head Up – a song with meanings behind…a song to cheer you up… a song to comfort you. Never thought I’ll be doing much again. Hope you’ll like it. Love y’ all,” mensahe pa ng binata.

Dahil dito ay agad namang nagpahayag ng suporta ang kanyang followers. Excited na silang mapakinggan at mapanood ang music video ng kanilang mga idolo.

Kamakailan, nag-perform sina Alexander at Marucci sa harap ng entertainment media kung saan kinanta nila ang “Keep Ya Head Up”. Naging special guest din nila sa mediacon ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniella na nakipag-collaborate naman kay Marucci para sa kantang “Superman”.

Dating member ng Korean boy band na U-KISS si Alexander at hindi matatawaran ang pagmamahal ni Alexander sa Pilipinas kaya namam madali siyang napalapit sa puso ng mga Pinoy. Nabawasan ang pagkasabik nila kay Alexander nang mapanood siya sa Daig Kayo Ng Lola Ko featuring Maine Mendoza.

Ang partner naman niyang si Marucci ay nakapagsulat na ng mga kanta para sa Korean commercials, drama OSTs at variety program.

Samantala, maaari nang mapakinggan at ma-dowload ang “Keep Ya Head Up” sa Melon, iTunes, Spotify, Mnet at iba pang leading music sites worldwide.

q q q

Inamin naman ni Alexander Lee na nakaramdam siya ng kaba at takot nang malamang
makakatrabaho niya si Maine Mendoza.

“At first I was like worried, she’s a phenomenal star. She might be mayabang, a diva whatever. But when I saw her, she was so down to earth, like a girl-next-door, very nice, very friendly. I enjoyed, I had no stress working with her, it was very easy,” sey ng Korean star.

Enjoy din daw siyang kausap ang Dubsmash Queen tungkol sa K-pop and K-drama. Kilala na rin daw siya ng friends ni Maine from his U-KISS days.

“She told me about how her friends know me and I was like wow, I feel so honored and old,” natatawa pa niyang pahayag sa press. –Jeandra Mae Pardinez

Read more...