KALAT na sa social media ang pagpiyok ni Morissette Amon sa isa niyang concert.
She was singing Regine Velasquez’s “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” and she failed to hit the highest note. After a few seconds, she whistled the last note and said, “Live”. Palakpakan ang mga nanood. She was able to vindicate herself.
But in one popular website, left and right na batikos ang inabot ng magaling na singer.
“Bakit kasi kelangan pang iwhistle, ok naman na sya dun sa regular voice nya. Yung pag whistle kasi dapat natural.”
“Love kita bes kaso sintonado talaga whistle mo laging flat. Unlike noong prime ni Mariah Carey na smooth at umaabot sa kalangitan whistles nya. Kay Mori laging flat.”
“Ang voice ni Morisette, masisira na lang yan sa super stress na sigaw and whistle all the time. Kahit hindi mataas ang songs, tinataas niya para lang masabi na high note siya all the time. Hope she stops that kind of performance.”
“Gusto ko siya noon pero tama yung iba dito yumabang onti. Saka parang naging OA ng onti. hehehe.”
“My friend was there too but she never had goosebumps and her ears got swollen from too much noise, sigaw lang daw ng sigaw si Morissette. Tsaka ang yabang ng dating ng mag-dialogue ng LIVE!”
‘Yan ang hanash against Morisette.
“Masyado kayong nega. Di bah pwede magkamali? Tao lang po. Im no fan of Morisette but respect sa kanya, nakabawi din,” say ng isang fan ng dalaga.
Whatever. She’s now my favorite singer. Her “Akin Ka Na Lang” was a very good song. Ang dami ngang cover version nito sa social media and we particularly liked the version of one guy na kumakanta sa gilid ng kalsada. Birit kung birit ang ginawa niyang version at talagang ang galing niya.