Komedyana, tisoy na aktor parehong manggagamit, manloloko

“USE me in a sentence” ang palaging maririnig na linya kapag magkasama ang isang tisoy na male personality at ang isang komedyana. Matagal na kasing pinag-uusapan ang kuno-kuno’y relasyon nila na ang babae lang naman ang umaamin.

Tigas sa kadedenay ang male personality, hanggang pakikipagkaibigan lang daw ang maibibigay niya sa babae, na marami namang naniniwala dahil hindi sila nababagay sa isa’t isa.

Pero magagaling ang mga personalidad na ito, talagang nagpapakita pa sila sa mga lugar na maraming tao para lang sila mapansin, kaya nga use me in a sentence ang palaging komento ng mga nakakakita sa kanila.

“May-I-deny pa ang guy, pero malay naman natin, baka nga pinag-uusapan pa nilang dalawa ang mga gimmick na gagawin nila, di ba?

“Baka nga may script silang sinusunod, baka pinagkakasunduan nilang mabuti kung ano ang mga susunod pa nilang gagawin, magkaroon lang sila ng publicity!

“Pareho silang uhaw sa publisidad, sa totoo lang, kaya ginagawa nila ang lahat-lahat para lang sila mapag-usapan,” unang chika ng aming impormante.

Kung talaga raw may relasyon sila ay mas gugustuhin nilang magkasama na lang sa isang pribadong lugar para maangkin nila ang oras. Pero bakit mas gusto pa nilang nakikita sila sa mga public places?

“Kahit sinong magkarelasyon ang tanungin natin, e, mas gusto nilang mag-stay sa isang lugar na silang dalawa lang ang nandu’n. Nanamnamin nila ang panahon na kanilang-kanila ang mundo, di ba naman?

“E, bakit ang dalawang ‘yun, parang ayaw naman nilang magkasarilinan sila? Gustung-gusto nilang lumalabas na magkasama, nagpapakita sila ng lambingan kuno nila in public, di ba naman use me in a sentence ang mga ginagawa at ipinakikita nila?

“Pareho silang ipinaglihi sa manggang hinog, sa totoo lang, naggagamitan lang sila para sa kanilang career, may iba pa bang dahilan? Tantanan na nila ang mga kaeklatan nila, ‘no!” nakataas pa ang kilay na chika ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang kailangang clue, bigay na bigay na kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwento, sa totoo lang!

Read more...