Sa isang press briefing, sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Oscar D. Albayalde na ang mastermind sa pagpaslang kay Bote ay si Christian Saquilabon, isang kontraktor sa Nueva Ecija.
Sinabi ni Police Regional Office 3 Director Chief Supt. Amador Corpus na lumalaba na isang proyekto sa turismo ang naging sanhi para patayin si Bote.
Idinagdag ni Corpus na kinilala ng Special Investigation Task Group (SITG) Bote ang lima sa walo sa mga suspek sa pagpaslang, kabilang na sina Saquilabon; ang mga bumaril na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay; architect na si Arnold Gamboa; at ang sinasabing spotter na si Jun-jun Fajardo, na pinaghahanap pa rin.
Naaresto sina Suarez and Gumacay noong isang linggo sa isang checkpoint sa Camarines Sur samantalang sumuko naman si Gamboa.
Inambus si Bote sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Hulyo 3.