Solon mas mayaman pa kay Pacman

NANANATILING pinakamayamang kongresista si 1PACMAN Rep. Michael Romero noong 2017.

Ayon sa kanyang inihaing Statement of Assets, Liabilities and Networth, si Romero ay mayroong P7.291 bilyong networth. Siya ay mayroong P7.328 bilyong assets at P37 milyong utang.

Tumaas ang kanyang yaman ng P282 milyon kumpara noong 2016. Siya ay apat na beses na nakasali sa 50 most affluent Filipino ng Forbes Asia Magazine. Kasali din siya sa listahan ng Forbes Richest noong 2013, 2014, 2016 at 2017.

Mas mayaman pa si Romero kina Sen. Cynthia Villar na may P3.6 bilyong networth at Sen. Manny Pacquiao na may P2.9 bilyong networth.

Sumunod naman kay Romero ang manugang ni Villar na si Emmeline Aglipay-Villar na may P1.4 bilyong networth.

Pumangatlo si House committee on housing and urban development chairman at Negros Occidental Rep. Albee Benitez na may P1.004 bilyong networth.

Sumunod naman sina Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos (P920.8 milyon), Quezon City Rep. Sonny Belmonte (P861.037 milyon), Manila Teachers Rep. Virgilio Lacson (P791.6 milyon), Marikina City Rep. Bayani Fernando (P739 milyon), Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (P538.8 milyon), Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo (P523.7 milyon), at Leyte Rep. Yedda Romualdez (P478.2 milyon).

Si Speaker Pantaleon Alvarez ay nagdeklara ng P91.6 milyong networth, mas mataas sa P86.4 milyong idineklara nito noong 2016.

Si House Majority Leader Rodolfo Farinas ay nagdeklara naman ng P169.98 milyong networth, mas mataas ng konti sa P169.13 milyon noong 2016.

Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay mayroon namang P464.7 milyong networth mas mataas sa P434.6 milyon nito noong 2016.

Mayroon namang P173.1 milyong networth si House Minority Leader Danilo Suarez ay mayroon namang bumaba sa P177.2 milyon noong 2016.

Read more...