Wage hike kailangan na

PINAMAMADALI ng isang solon sa mga regional wage board ang pagdinig sa mga petisyon kaugnay ng pagtataas ng minimum wage sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., kailangan ng saklolo ng 4.1 milyong minimum wage earners sa bansa dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Measured minimum wage increases are now more than justified, so we are counting on the boards to do their job,” ani Campos.

Batay umano sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay maaaring magpatuloy ang mataas na inflation rate sa bansa.

“The BSP has basically implied that the 5.2 percent inflation rate in June – already the highest in more than five years – is bound to worsen before it eases,” saad ng solon.

Sa isang statement, sinabi ng BSP na inaasahan ang lalo pang pagtaas ng inflation rate sa ikatlong bahagi ng taon bago bumaba sa 2-4 porsyento sa 2019.

Sinabi ni Campos na mas maganda ang kalagayan ng mga nasa gobyerno dahil sa pagpapatupad ng ikatlong installment ng salary increase na ipinatupad noong Enero. Sa Enero ipatutupad ang huling installment ng pagtataas.

Nanagawan din ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines kay Pangulong Duterte na itaas ang minimum na sahod at gumawa ng mga hakbang upang hindi gumuho ang halaga ng sahod ng mga ordinaryong mangagagawa.

Noong Abril 2017, ang average na daily minimum wage ay P330.47 pero ang purchasing power nito ay P208.38 lamang.

Read more...