LPA posibleng maging bagyo

PUMASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area na posibleng maging bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang LPA ay namataan may 1,030 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes alas-3 ng umaga.

Ito ay maaaring maging bagyo sa susunod na dalawang araw at tatawaging Henry.

Patuloy namang magpapaulan ang Hanging Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Read more...