Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na bahagi ang ginawang pag-pull out sa dalawang pulis na security ni Trillanes sa “comprehensive review” ng mga security personnel.
“The PNP is conducting a comprehensive review of all protective security personnel its Police Security and Protection Group (PSPG) provides to all qualified VIPs including elected and appointed officials as well as private individuals,” sabi ng PNP.
Idinagdag ng PNP na ito’y sa harap na rin ng paparating na eleksiyon kung saan posibleng magamit ang mga pulis sa politika.
“The review is also part of PNP’s proactive measures to ensure police personnel will not be, wittingly or unwittingly, used by their VIPs for economic or political reasons especially as we approach the election season,” ayon pa sa PNP.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na inalis lahat ng kanyang security mula sa PNP at maging mula sa Armed Forces, kayat wala na siyang mga eskort mula sa gobyerno.
Inatasan naman ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang Presidential Security Group (PSG) na ibalik ang dalawang security ni Trillanes habang isinasagawa ang “comprehensive review.”
MOST READ
LATEST STORIES