AFTER movie queen Susan Roces and award-winning actress Lorna Tolentino, ang sexy actress na si Nathalie Hart ang napiling magbida sa remake ng classic horror film na “Patayin Sa Sindak Si Barbara”.
Ito ang ibinalita ng dalaga sa presscon ng bagong “naughty” comedy film ng Star Cinema, ang Kusina Kings na pinagbibidahan nina Empoy Marquez at Zanjoe Marudo.
Ayon kay Nathalie, siya ang maswerteng napili na gumanap na Barbara sa bagong version ng nasabing horror movie.
Hindi pa lang niya alam kung sinu-sino ang makakasama niya sa project na ito, pero aniya baka raw sa November na ito mapapanood ng madlang pipol. Hindi rin kinumpirma ng dalaga kung pelikula ba ito o teleserye.
In fairness tuloy-tuloy pa rin ang swerte sa career ni Nathalie, bukod sa “Patayin Sa Sindak Si Barbara” kasama rin siya sa latest comedy offering ng Star Cinema na “Kusina Kings” showing on July 25 nationwide directed by Victor Villanueva.
Napapanood din ang sexy actress sa Kapamilya teleseryenh The Blood Sisters at ka-join din siya sa bagong pelikula ng Viva Films na “The Bitch Wedding” kasama sina Cristine Reyes, Kylie Verzosa at Roxanne Barcelo.