NAGING emosyonal si Isabelle Daza nang malamang marami palang na-inspire at naapektuhan ng ipinost niyang video sa Instagram tungkol sa mental illness.
Hindi inaasahan ng TV host-actress na napakalaki pala ng nagawang tulong ng kanyang video na naglalaman ng kanyang speech sa isang event about anxiety and depression. Napakarami raw niyang natanggap na mensahe mula sa netizens na nagpapasalamat dahil nagkaroon uli sila ng pag-asa sa buhay nang dahil sa kanyang video.
Ibinahagi ni Isabelle sa kanyang followers ang mga naging experience niya in the past about depression kasabay ng pagbibigay ng advice kung paano ito lalabanan.
“So I’m kinda shy or scared to post this cause I don’t look my best but that’s not the point. I’m sharing this very personal, emotional talk because I want to stand up against the stigma that mental illness is something we should be ashamed about.”
“Also talking about how social media can play a role in developing anxiety and depression,” caption ni Isabelle sa kanyang IG video.
“Receiving tons of messages about the video I shared. I feel overwhelmed. I wish I can reply to everyone,” sabi pa ng anak ni Gloria Diaz sa kanyang IG Story.