Mukhang ‘doll’ na young actress suko na sa maangas, madakdak na dyowang aktor

SABI ng isang source, “Sinasabi na nga ba! Hindi makakayang iwasan ni girl ang kaguwapuhan at pagiging maginoo ng leading man niya sa isang serye! Ayan, nagkatotoo na!”

‘Yun ang maingay na pinag-uusapan ngayon. Naapektuhan na ang boyfriend na young actor ng isang magandang young actress sa maiinit nilang eksena ng isang guwapong hunk actor.

Kuwento uli ng aming impormante, “Matagal na nilang pinagtatalunan ang mga eksenang ‘yun! Sabi ng girl, nagpapaka-professional lang naman siya, sumusunod lang siya sa kung ano ang dapat niyang gawing mga eksena sa serye.

“Ang ipinipilit naman ng boyfriend niya, e, hindi siya dapat sunod lang nang sunod, kailangang pumapalag din siya sa director, dahil nakasisira na sa relasyon nila ang mga eksenang ginagawa niya!

“Lagi silang nagkakaroon ng pagtatalo, palaging nginangarag ng guy ang girlfriend niya, isang malaking stress pala na maging karelasyon ang lalaking ‘yun! Sa halip na pagaanin niya ang work ng girl, e, ginagawa pa niyang complicated!

“So, nawawalan na tuloy ng gana sa relasyon nila ang girl. Bakit pa nga naman siya makikipagrelasyon sa isang taong palagi naman siyang binubuwisit? Natural, pagod na pagod na nga siya sa pagtatrabaho, tapos, aaway-awayin pa siya ng taong inaasahan niyang makapagtatanggal ng pagod niya?” chika ng aming source.

Matagal nang inaasahan ng mas nakararami ang kauuwian ng relasyon ng young actor at ng magandang young actress. Siguradong mai-insecure ang lalaki dahil sa maiinit na eksena ng mga bumibida sa serye.

“Nakakaloka naman kasi ang lalaking ‘yun! Para siyang babae kung kumuda! Kalalaking tao niya, pero napakarami niyang talak! May kaangasan kasi ang lalaki, pilit pa siyang pinagtatakpan nu’n ng girlfriend niya, pero ang girl na mismo ang sumuko ngayon sa kanya!

“Maraming masaya sa mga nangyayari ngayon sa relasyon ng young actor at ng young actress, sa wakas, e, nauntog na raw sa katotohanan ang girl na mahirap talagang maging karelasyon ang isang taong maangas na, e, masyado pang madaldal!” huling chika pa ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, araw-gabi kayang nginangarag ng maangas na young actor ang magandang girl na parang manyika ang itsura?

Read more...