Kris gustong makatrabaho sina Willie, Marian at Angel

KRIS AQUINO

KUNG may gusto pang makatrabaho si Kris Aquino sa mga youngstars ngayon, ‘yan ay walang iba kundi ang Pambansang Bae na si Alden Richards at ang ka-loveteam nitong si Maine Mendoza.

Sa pa-Q&A ni Kris sa Instagram, may isang netizen ang nagtanong sa kanya kung sino pa ang nais niyang makatrabaho sa susunod niyang mga pelikula.

Reply ni Kris, “If it’s centered on a family, @aldenrichards02 & Albert Martinez. Hopefully also w/ @mainemendoza.” Maraming AlDub fans naman ang nagsabi na ipagdarasal nila na matuloy ang proyektong ito dahil nais din nilang mapanood ang AlDub kasama siya.

Bukod kina Maine at Alden, nais din daw makatrabaho ng Social Media Queen ang iba pang Kapuso stars tulad nina Willie Revillame, Dennis Trillo at Gabby Concepcion.

Looking forward din daw si Tetay na maka-work sina Piolo Pascual, Marian Rivera at Angel Locsin.

Naging usap-usapan din sa social media ang sagot niya sa tanong ng netizen kung papayag ba siyang makasama uli si Vice sa pelikula.

Ang maikling tugon ni Kris dito ay, “Gugustuhin ba niya akong makatrabaho?” Kaya ang tanong ng kanyang followers, may gap pa rin ba sila ni Vice until now?

Read more...