2 ‘ahas’ na female celeb pagalingan sa pang-aagaw

SA isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay napag-usapan ang kakaibang bilis sa pagkuha ng atensiyon ng mga kalalakihan ng isang kilalang young actress. Siya kuno ang junior ng isang aktres na kilalang-kilala ang kartada pagdating na sa anak ni Adan.

Hindi sila nagkakalayo, sabi ng mga magkakakuwentuhan, puwede raw silang gumanap na mag-ina sa isang pelikulang ang tema ay nag-aagawan sila sa iisang lalaki lang.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Naku, plakadung-plakado ang ugali ng dalawang ‘yun pagdating sa lalaki, basta nagustuhan nila, kailangan nilang makuha ang makapagpapasaya sa kanila.

“Si Actress A, magaling siyang mangisda kahit walang tubig. Kapag natipuhan niya ang guy, e, gagawin niya ang lahat, magtagumpay lang siya. Lahat-lahat talaga, e, gagawin niya, mapasakanya lang ang guy, single man o pamilyado na.

“Du’n siya magaling, kaya ang mga kapwa niya artista, e, natatakot magsama ng mga mister nila sa set kapag kasama nila sa project ang babaeng ‘yun!

“Mahirap na nga naman, baka malingat lang sila, e, nakuha na pala ng girl ang number ng husband nila at ‘yun na ‘yun!” madiing chika ng aming source.

Ganu’n din kuno ang mas batang aktres, si Actress B, na kapag nagustuhan ang kahit sinong lalaki ay gagawa siya at gagawa ng paraang makuha ang kanyang gusto.

“Bakit, may sinasanto ba siya? Di ba, kahit kaibigan pa niya ang girl, kahit pa maganda ang pakikisama sa kanya, di ba, ginegetlak pa rin niya ang guy?

“Ilang beses na ba niyang ginawa ang ganu’n? Kahit ‘yung guwapong dancer na madalas niyang katrabaho, alam niya namang may girlfriend na ‘yung tao, nakagawa pa rin siya ng milagro, di ba?

“Kaya bagay na bagay silang gumawa ng movie nu’ng girl na palaging sumasabit sa mga kuwento ng agawan, hindi na sila aarte, kayang-kaya nilang gampanan ang mga roles nila nang walang ka-effort-effort, sa totoo lang!

“Magpapaligsahan sila, sa totoo lang! Si Actress A, katunog ng name niya ang pinanggagalingan ng ginto. Si young actress naman, e, may kapangalang sabon,” pagtatapos na chika pa ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, kaya dapat, wala na kayong upuan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...