8 pelikula magbabakbakan sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino

SADYANG ibinaba sa walong pelikula (dating 12) ang mga kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula mula Agosto 15 hanggang 21.

“Ibinaba sa walo, kasi last year hindi nagkaroon ng chance ang audience na mapanood lahat ang pelikula, I think one week is really a short time para mapanood ang 12 movies. Kaya ang nangyari, nag-suffer ang 9th hanggang 12th.

“So, we don’t want that to happen. We want to make sure na mapanood lahat ng audience ang kasali ngayon,” ang paliwanag ni FDCP Chairperson Liza Dino sa nakaraang announcement ng PPP entries.

Kung ibabase sa trailer ang mga pelikulang kasama sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino masasabi naming lahat ay magaganda at iba-iba ring genre kaya tiyak na papasukin ito ng mga tao.

Narito ang mga masusuwerteng nakapasok sa Final 8: “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” mula sa direksyon ni Jun Robles Lana (The IdeaFirst Company) na isang romantic comedy starring Sue Ramirez, Jameson Blake, Markus Patterson, Kiko Matos, Yayo Aguila at Boots Anson Roa.

“Bakwit Boys” ni Jason Paul Laxamana (T-Rex Entertainment), na isang musical. Bibida rito sina Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto at Kiray Celis.

“Madilim Ang Gabi” na idinirek ni Adolf Alix, Jr. (Deux Lux Mea Films). Isa naman itong drama na pagbibidahan niina Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco at Felix Roco.

“Pinay Beauty” ni Jay Abello (Quantum Films and Epic Media) na kuwento tungkol sa barkada na nag-road trip kasama sina Chai Fonacier, Nico Antonio at Edgar Allan Guzman.

“Signal Rock” mula kay Chito Roño (Cape Signal Rock (CSR) Films PH) na pagbibidahan ni Christian Bables.

“The Day After Valentines” ni Jason Paul Laxamana (Viva Films) na isang romantic drama starring Bela Padilla and JC Santos.

“Unli-Life” na idinirek ni Miko Livelo (Regal Entertainment) na isang comedy-adventure na pinangungunahan ng mag-amang Joey at Winwyn Marquez kasama si Vhong Navarro.

“We Will Not Die Tonight” mula kay Richard Somes (Strawdogs Studio Productions) kasama sina Erich Gonzales, Alex Medina, Maxine Eigenmann at Paolo Paraiso.

Tinanong ang bumubuo ng Selection Committee ng PPP sa pangunguna ni Direk Joey Reyes kung paano napili ang mga entry this year.

“There were 21 films which were submitted for considerations, but from the very start we made it very clear what we’re looking for are quality films which have audience friendliness. It was a hard process, magkakaiba ang hinahanap naming mga selection committee, magkakaiba ang panlasa naming,” paliwanag ni direk Joey.

Dagdag naman ni direk Carlitos Siguion Reyna, “We were also looking for film na may personal or individual voice at saka well-crafted as well.”

Kasama rin sa committee sina film editor Manet Dayrit, direk Sheron Dayoc, cinematographer Lee Briones, at aktres na si Cherie Gil.

Ayon naman kay Liza, “In terms of FDCP vision, I think right now, napakarami naman talaga nating ginagawang mga pelikula and it serves different targets, different demographics with the existence of our local independent film festivals dito tayo nakakakita ng mga matatapang na pelikula, ang boses ay kitang-kita at ramdam na ramdam.

“Ito ang mga pelikulang umiikot sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa. Mayroon din tayong mga pelikulang patok na patok sa ating local audience, distinctively two kinds of films na pino-produce natin every year. Magandang makita rin sa ibang bansa ang mga pelikula natin tulad din ng mga pelikula nilang pinapanood natin dito,” aniya pa.

Nabanggit din ng chairperson ng FDCP na guaranteed na mapapanood ang mga pelikula na walang matatanggal sa mga sinehan hanggang sa ika-pitong araw.

Read more...