KOREAN word of the week: Fighting! – Ang ibig sabihin ay “You can do it!” Ito’y ginagamit ng mga Koreano para magpalakas ng loob. Katumbas ito ng “kaya mo ‘yan” o “kaya ko ‘to” sa mga Pinoy.
q q q
Tuloy na ang pagtatambal ng Korean superstars na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum sa isa na namang bonggang Korean drama.
Kinumpirma ng isang kinatawan mula sa production company na Bon Factory na ang dalawa ang bibida sa bagong K-drama na “Boyfriend.”
“Actress Song Hye Kyo and actor Park Bo Gum have been confirmed to appear as the leads of the drama Boyfriend. We are aiming for a premiere in the second half of 2018, and we are currently in the midst of pre-production,” ayon sa Bon Factory.
Kwento ito ng isang anak na babae ng isang politiko, na napilitang magpakasal sa isang mayamang lalaki, pero nauwi lang sa divorce.
Dito makikilala ng karakter ni Hye Kyo ang karakter ni Bo Gum, na isang inosente at simpleng lalaki, na palaging masaya at kuntento na sa mga maliliit na bagay. Habang tumatagal ang kanilang samahan ay mauuwi nga ito sa pag-iibigan.
Huling napanood si Hye Kyo sa Korean blockbuster drama na Descendants of the Sun kasama ang kanyang mister na si Song Joong Ki. Napanood naman si Bo Gum sa Korean hit drama na Love In The Moonlight.
Kilala ring matalik na magkaibigan sina Joong Ki at Bo Gum sa tunay na buhay.
Bukod sa Descendants of the Sun, kabilang din sa mga nagawang serye ni Hye Kyo ang Full House, That Winter, The Wind Blows at Autumn in My Heart.
Bumida naman si Bo Gum sa mga soap drama na Reply 1988 at Hello Monster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.