Joshua epektib na beki; Julia seryoso sa trabaho

HINDI na masyadong nahirapan si Joshua Garcia na gumanap na bading sa latest offering ng Star Cinema na “I Love You, Hater”.

Gumanap na kasi siyang beki noon sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan nagdamit-babae pa siya. Dito sa “I Love You, Hater” kaunting adjustment na lang ang ginawa niya para gampanan ang karakter ni Joco.

Sabi nga ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto na katambal niya sa movie, napakagaling daw ng binata sa kanyang mga eksena kung saan kailangan niyang magpanggap na bading para makuha ang posisyon bilang assistant ni Kris Aquino na gumaganap na lady boss sa movie.

“It was fun to watch. He pulled it off, he really pulled it off, magaling talaga siya (Joshua) rito,” sey ni Julia.

Tungkol naman sa kanyang role bilang Zoe na karibal nga ni Joco sa inaalok na posisyon ni Kris, inilarawan niya ito bilang “most free”.

Ani Julia, “That’s how I connect also to Zoey, in real life, (I feel like) makulit naman talaga ako, and very carefree. I love Zoey so much. She’s carefree, but she’s very driven, when it’s time to work, it’s time to work.”

Showing na ngayong araw ang “I Love You, Hater” sa mga sinehan nationwide directed by Giselle Andres, kaya go and watch na!

Read more...