‘Respeto’ big winner sa 2nd EDDYS

BIG winner ang pelikulang “Respeto” sa 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na ginanap nitong nagdaang Lunes ng gabi sa The Theater At Solaire.

Bukod sa Best Film award, lima pang tropeo ang naiuwi ng “Respeto” na pinagbibidahan ng rapper na si Abra na hindi man nagwaging best actor, nanalo naman siya at si Loonie sa Best Movie Theme Song .

Personal namang tinanggap nina Maricel Soriano, Charo Santos-Concio, Eddie Garcia at Nora Aunor ang EDDYS Film Icons of the Year award. Kasama rin dito ang dalawang movie queen na sina Gloria Romero at Susan Roces ngunit hindi sila nakadalo.

Ang yumaong entertainment columnist at film critic na si Mario Hernando ang recipient ng 2018 EDDYS Manny Pichel Award habang ang veteran entertainment editor na si Ricky Lo ang tumanggap ng Joe Quirino Award.

Binigyan din ng tribute (Posthumous) ang award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes.
Best Dressed Celebrities naman sina JC Santos at Sanya Lopez habang sina David Licauco at Andrea Torres ang tinanghal na Stars of the Night.

Ilan sa mga nag-perform sa gabi ng parangal ay sina Ciara Sotto, Abra at Loonie, Jona, Bituin Escalante, Wishful 5 at Noel Cabangon. Nagsilbi namang hosts ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez.

Ang Globe Studios (Play It Right) ang major presenter ng 2nd EDDYS sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines, sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino-Seguerra. Ito’y sa direksyon ni Paolo Valenciano, ilalim ng produksyon ng fastest growing FM station na Wish 107.5.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 2nd EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors, Inc. (SPEEd) na pinamumunuan ni Ian Farinas.
Best Film: Respeto
Best Director: Mikhail Red (Birdshot)
Best Actress: Mary Joy Apostol (Birdshot)
Best Actor: Aga Muhlach (Seven Sundays)
Best Supporting Actress (triple tie): Angeli Bayani (Maestra), Therese Malvar (Ilawod) and Chai Fonacier (Respeto)
Best Supporting Actor: Dido Dela Paz (Respeto)
Best Cinematography: Mycko David (Birdshot)
Best Original Screenplay: Eric Cabahug (Deadma Walking)
Best Sound Design: Corinne De San Jose (Respeto)
Best Musical Score: Jay Durias (Respeto)
Best Original Theme Song: Respeto
Best Visual Effects: Ang Panday
Best Editing: Marya Ignacio (Kita Kita)
Best Production Design: Gino Gonzales (Ang Larawan)
Rising Producers Circle: Roselle Monteverde (Regal Films) and Veronique Del Rosario (Viva Films)
Producer of the Year: Vic Del Rosario Jr..

Read more...