Du30 pa-Malaysia para manood ng Pacman-Matthysse fight sa Hulyo 15

MANONOOD si Pangulong Duterte papuntang Malaysia ng laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Argentinian defending WBA (Regular} Welterweight World Champion Lucas Matthysse sa Hulyo 15.

Kinumpirma ng Malacanang na personal na manonood si Duterte ng laban nina Pacquiao at Matthysse.
“Watch siya Pacman and meet PM,” sabi ng isang opisyal na tumanggi namang pangalanan.

Idinagdag ng opisyal na Hulyo 16 nakatakda namang makipagpulong si Duterte kay Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-usap sina Duterte at Mahathir kaugnay ng nakatakdang pagbisita sa Malaysia.

“Had Telephone talk with Mahathir before cabinet meeting. He wants to talk about insurgency and ISIS. We will be there July 16. After boxing, will talk with Mahathir,” sabi ni Roque.

Read more...