Poe nanguna sa Magic 12 senatorial survey ng Pulse Asia

MGA kasalukuyan at dating senador ang pasok sa top 12 ng senatorial survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa noong Hunyo 15-21, nanguna si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 67.4 porsyento. Ang mga respondent ay tinanong kung ngayon ay eleksyon sino ang kanilang iboboto at maaaring magbigay ng hanggang 12 pangalan.

Pumangalawa naman si Taguig Rep. Pia Cayetano, na dating senador. Siya ay nakapagtala ng 55.7 porsyento.

Sumunod naman sina Sen. Cynthia Villar (50.1 porsyento), Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte (46.2), Sen. Sonny Angara Jr., (41.9) at dating Sen. Jinggoy Estrada (37.9).

Pang-pito naman si Bureau of Corrections chief Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa (37.7) at kasama si Sen. Koko Pimentel (37.7).

Sumunod naman si Sen. Nancy Binay (37.1), dating Sen. Serge Osmena (36.6), dating Sen. Lito Lapid (36.2), Sen. JV Ejercito (35.6), at Sen. Bam Aquino (32.1).

Si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ay nakakuha naman ng 29.9 porsyento. Siya ay sinundan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista (28.6), acktor na si Robin Padilla (28.2), kolumnistang si Mon Tulfo (27.1), dating Sen. Mar Roxas (27.1), dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., (26.7), broadcaster na si Ted Failon (25.8), dating Sen. TG Guingona (23.3), dating Manila Vice Mayor Isko Moreno (15.5), Valenzuela Mayor Rex Gatchalian (11.2), at dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo (10.8).

Ang mga sumunod pa ay wala na sa 10 porsyento ang nakuha.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.

Read more...