Sunud-sunod na patayan nangangamoy eleksyon

SA Oktubre 1 ang simula ng paghahain ng certificates of candidacy ng mga tatakbo sa May 13, 2019 elections, kaya naman maraming pulitiko ngayon ang nagkukumahog.
Kulang na sa 90 days o tatlong buwan, sumiklab na ang digmaan ng pulitika, pera, at impluwensya.
Palakasan ng orga-nisasyon at line-up ng ticket, habang iba naman ay nagbabanta, nananakot at pumapa-patay ng makakalaban.
Tatlong sunud-sunod na krimeng pawang “in broad daylight” nangyari: Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, napatay ng sniper sa umagang flag ceremony; Gen Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, napatay alas 4:50 ng hapon ng “riding in tandem” na may back-up na AUV; at si Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan ng Cavite, ay napatay alas 2:59 ng hapon ng mga armado sakay ng itim na Mitsubishi Montero.
Nasa narco list si Mayor Halili pero hindi ba’t retired PNP general ang nakalaban at tinalo niya nitong 2016? Hindi ba’t PNP ang naglalagay ng mga pangalan sa narco list?
Si Mayor Engineer Bote ay pangatlong engineer at contractor na pinatay sa Nueva Ecija sa loob ng dalawang linggo. May kaugnayan kaya ito sa gagawing imbestigasyon ng House of Representatives sa maanomalyang quarry operations at pulitika?
Anggulong pulitika rin ang tinitingnan sa pagpaslang kay Trece Martires Vice Mayor Lubigan matapos mabalitang lilipat ito sa PDP-Laban mula sa dating partido na UNA.
Marami na ring patayan doon tulad ng dalawang babaeng vendor officials sa city market noong Oktubre 2016 at naunang pag-ambush sa bodyguard ni Mayor De Sagun sa Batangas.
Huwag din nating kalimutan ang pagpatay kay ex-La Union congressman Eufranio Eriguel at dalawang bodyguard nito sa barangay Capas, Agoo nitong Mayo 11 ng mga suspects na sakay ng black Mitsubishi Montero.
Ang solusyon sa mga patayang ito’y matin-ding hamon sa kakayahan ni PNP Director General Oscar Alba-yalde.
Karaniwan na kasing walang nahuhuling suspect sa ganitong mga “political killings”, ha-limbawa na natin ang kay Ex-Congressman Eriguel na higit dalawang buwan na ang nakakaraan. Maski NBI, wala ring resulta. Kaya’t ang malamang na mangyayari ay gantihan na lamang.
Kunsabagay, talagang marahas ang eleksyon sa atin. Noong 2004, 295 ang namatay sa 152 election related incidents (ERI). Bumaba noong 2010 kung saan 45 lang ang napatay sa 67 ERI. Noong 2013 baranggay elections, 33 ang namatay at 55 ang su-gatan.
Dumami muli noong Presidential elections 2016 sa 50 patay sa 146 ERI. At nitong Mayo 14 baranggay elections, idineklara ng PNP na 35 ang nasawi kabilang ang 18 baranggay chairman, apat na kandidato at walong sibilyan.
Hindi pa tayo pumapasok sa pre-election period, pero ngayon pa lamang meron nang 15 napapatay na Mayor at Vice Mayor kasama na rin ang mga sangkot sa illegal drugs.
Masakit mang sabihin, mukhang magiging madugo ang nalalapit na eleksyon. At sa panahong nerbyos na nerbyos ngayon ang mga gobernador, city at municipal mayors lalo na sila na nasa narco list, ang panganib ng assassination ay totoo at dapat bantayan.
Sinong local official ang hindi matatakot sa mga flag ceremony lalo’t pwede ka palang ma-sniper? Sinong local official ang makakatulog lalot nagkalat ang mga murang “riding in tandem assassins” sa paligid? Sinong local official ang nakakasiguro sa kanya mismong kakamping pulitiko o sariling mga bodyguard?
PNP at NBI, Hoy gising!

Read more...