Andi payag maging Kapuso, pero wala pang offer

OPEN daw si Andi Aigenmann na magtrabaho sa GMA 7 dahil freelancer na siya ngayon. Hindi rin daw totoo na tumatanggi na siya sa projects dahil sa Baler na nga siya nakatira ngayon.

“I’m always willing to still accept projects naman. Never naman ako nag-ayaw. Pero if may mga opportunity, I’m okay with it. But I’ll still balance that and living away from the city,” aniya sa isang panayam.

Sey ni Andi, wala pa naman daw offer ang GMA sa kanya pero willing naman daw siyang maging Kapuso tulad ng inang si Jaclyn Jose. Maganda sigurong idea kung pagsamahin ng GMA ang mag-ina sa isang bonggang project.

In fairness, matagal nang gusto ni Jaclyn na lumipat sa Kapuso Network ang anak dahil naniniwala siyang may future rito si Andi.

Read more...