Lovi namana ang galing at bilis ni FPJ sa pagsuntok

PINATUNAYAN ng Kapuso actress na si Lovi Poe na isa nga siyang anak ni Da King Fernando Poe, Jr..

Sa isang Instagram video ni Lovi mapapanood kung gaano siya kagaling at kalakas sumuntok.

Maraming nag-comment na namana niya ang galing ni FPJ sa boxing.

Caption ng aktres sa kanyang IG post, “Haven’t been boxing in while now… working on getting my groove back. Thank God my trainer is more than up for it.”

Ilang fans ni Lovi ang nag-request sa GMA na dapat bigyan din ng maaksyong serye ang dalaga.

Read more...