Nalalapit na ending ng ‘Ang Probinsyano’ fake news, tatagal pa raw hanggang 2019

YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN

SAKIT ng ulo ng GMA 7 kung paano tatalunin ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Mas lalo pa sigurong sumakit ang ulo ng GMA executives nang malaman nilang hindi pa magtatapos this year ang number one show sa buong Pilipinas na pinagbibidahan ni Coco Martin with Yassi Pressman and Susan Roces. May balita kasi na hanggang February, 2019 pa raw ang action series ng ABS-CBN.

Maging ang netizens ay tuwang-tuwa na until next year pa ang programa ni Coco.

“Hayaan muna nating mabaliw ang taga Kamuning kakaisip ano ang ipangtatapat.”

“Wag nyo po muna tapusin diretso nyo lang po kasi maganda naman at isa pa laging mataas ang ratings.”

“Dapat lang wag tapusin! Ang ganda lagi episodes. Exciting lagi everyday. At bakit tatapusin ang taastaas pa rin ng ratings. No. 1 ?Ang PROBINSYANO. Solid kami.”

“Dapat lang. At sana forever na ang Probinsyano sa TV. Ang story kasi ng Probinsyano ay hango sa totoong buhay na nangyayari sa alin mang bansa kaya lahat nakakarelate.”

May chikang ang teleserye ni Alden Something daw ang itatapat sa Ang Probinsyano. Spell suicide?

Read more...