'Ageless beauty' ng female celeb pwedeng gawing teleserye ang madramang lovelife | Bandera

‘Ageless beauty’ ng female celeb pwedeng gawing teleserye ang madramang lovelife

Cristy Fermin - July 07, 2018 - 12:15 AM

NAPAKARAMING kuwento tungkol sa lovelife ng isang magandang aktres. Ibang klase ang istorya ng kanyang personal na buhay, madrama na ay maaksiyon pa, pampelikula talaga ‘yun at puwede ring tumakbo nang mahaba kung gagawing serye sa telebisyon.

Hindi pala tinanggap kahit kailan ng pamilya ng aktres ang tituladong lalaking napangasawa niya. Kontra ang kanyang mga magulang at mga kapatid sa lalaking walang alam mahalin kundi ang sarili lang nito.

Kuwento ng aming source, “Nakakaawa rin ang girl na ‘yun. Napakaganda niya, ageless nga ang sabi ng marami sa beauty niya, dahil totoo namang parang hindi siya tumatanda.

“‘Yung lagay na ‘yun, e, marami pa siyang pinagdaanang problema, ha? Paano pa kaya kung naging maganda ang takbo ng personal life niya? Siguro, mas bata pa siyang tingnan ngayon despite her age.

“Ayaw na ayaw ng family niya sa napangasawa niya, ‘yun ang reason kung bakit nagre-reunion ang family niya, e, siya lang ang walang kasamang partner sa okasyon.

“Marami raw kasing nababalitaan ang mga kapatid niya na niloloko lang siya ng husband niya.

Kesyo may ibang babae, kesyo suplado, kesyo kakaiba ang ugali. Hindi raw naman siya mahal ng mister niya, trophy girl lang daw ang turing sa kanya.

“Ilang taon ding ipinaglaban ng girl ang husband niya, talagang todo-depensa siya sa family niya, pero nu’ng bandang huli, e, sumuko na rin siya,” simulang chika ng aming source.

Hindi na kinaya ng aktres ang matinding pressure, nakapagitan siya sa dalawang nag-uumpugang bato, mahal niya ang kanyang pamilya pero mahal din niya ang asawa niya.

“Mahirap nga namang magmahal nang hindi tanggap ng pamilya ang mahal mo. Kaso, kahit minsan naman kasi, e, hindi man lang gumawa ng paraan ang lalaki para mapalapit siya sa family ng girl, kaya ayun, sinukuan na rin siya ng babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos na ang relasyon nila, legal na ang hiwalayan nila, nandito na ang girl at libre na uli siyang makipagrelasyon. Maganda pa rin siya, nagkakaedad na ang girl, pero kakabugin ng ganda niya ang marami niyang ka-contemporary. Para siyang nakatira sa wonderland, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming impormante.

Madaling hulaan kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, isipin n’yo lang kung sino ang bumibidang karakter sa wonderland.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending