Coco nag-iipon pa para sa magiging asawa’t mga anak; balak magpamilya pag 40 na
MUKHANG mahilig sa “Sam” ang ex-girlfriend ni Sam Milby na si Mari Jasmin. Umamin na ang magandang modelo na karelasyon niya ngayon ay ang indie director na si Samantha Lee.
Maraming nagulat sa rebelasyong ito ni Mari Jasmin, ito kasi ang unang beses na umamin siya sa kanyang lesbian relationship. First time rin niyang mag-post ng tungkol sa feelings niya kumpara noong sila pa ni Sam na ni minsan ay hindi nagpa-interview sa press.
Maging ang aktor ay laging nakikiusap sa entertainment media na huwag masyadong pag-usapan ang pribadong buhay ng dalaga noong magkarelasyon pa sila dahil hindi nga ito sanay sa showbiz.
Sa katunayan, wala ring nakakaalam sa media kung bakit naghiwalay sina Sam at Mari Jasmin. Tapos heto’t buong ningning na ibinalandra ni Mari Jasmin ang relasyon niya kay Samantha Lee.
Si Samantha ang director ng LGBT film na “Baka Bukas” na pinagbidahan nina Jasmine Curtis at Louise delos Reyes na naging entry sa 2016 sa Cinema One Film Festival.
Hmmm, baka naman noon pa ay iba na ang sexual preference ni Mari Jasmin kaya hindi sila nagtagal ni Samuel?
Samantala, mukhang wala pang alam si Sam tungkol dito dahil abala siya sa taping ng seryeng Halik kasama sina Yam Concepcion, Yen Santos at Jericho Rosales mula sa RSB Unit.
q q q
ITINANGGI ni Coco Martin ang nababalitang matatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Pebrero 2019 base sa mga balita.
“Honestly, wala pa talagang definite kung kailan siya matatapos, lagi ko ngang sinasagot na hangga’t gusto pa siya ng manonood.
“Hindi ko masasabi kung hanggang 2019. Pag maramdaman na kasi namin siguro na wala ng kuwentong ibibigay o hindi na siya gusto ng mga tao, kahit gustuhin pa namin wala na kaming magagawa. Kailangan na naming tapusin.
“Pero hangga’t tinatangkilik pa siya ng mga tao, may naibibigay pa kaming bagong kuwento, hangga’t nakakapag-inspire pa kami ng mga tao, nandiyan pa rin ang Probinsyano,” paglilinaw ng aktor nang makausap namin sa ginanap na launching ng ikalawang TV ad niya para sa Ajinomoto Sarsaya Oyster Sauce.
Samantala, tinanong namin kung kumusta ang puso ni Coco ngayon dahil parang nalilimutan na yata niyang magmahal sa rami ng kanyang ginagawa.
“Masaya naman. Ha-hahaha!” natawang sagot sa amin ng aktor. Pero aniya sana raw pagdating ng edad 40 ay magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya.
“Sana 40 kasi 36 na ako ngayon. Sabi ko sasagarin ko na. Sana makapag-ipon and then pag naayos ko na lahat and then after that sarili ko naman ang iintindihin ko,” pag-amin nito.
“Dati puro lovelife ako, walang trabaho. E, ngayong nagkatrabaho ako puwede bang magtrabaho muna? Pag talagang okay na, settle na ako nakaipon na ako saka ako magpapamilya,” katwiran ni Coco.
Inamin din ni Coco na binigyan na niya ng sari-sariling business ang mga kapatid at gusto rin daw niyang ipagpatayo ng karinderya ang lola niya.
“Gusto kong ipagpatayo ng karinderya ang lola ko kasi everyday gumigising siya ng 4 a.m. para lang ipagluto ako ng baon ko. Saka ayaw ko kasi ng wala siyang ginagawa, di ba kasi kapag may edad na naiinip sila kapag walang ginagawa sa bahay.
“Ang ikinakatakot ko baka manghina siya kaya iniisipan kong ipagpatayo siya ng karinderya para may pagkaabalahan siya at ‘yung baon ko araw-araw doon ko na lang kukunin,” ayon pa sa aktor.
Natanong naman ang aktor na kung ihahambing sa ulam ang nababalitang girlfriend niyang si Julia Montes, ano ito? “Kare-kare,” mabilis nitong sagot. “Basta kare-kare masarap. Ang hirap naman,” natawang sagot pa ng binata.
Sa beef steak naman ikinumpara ni Coco ang leading lady niyang si Yassi Pressman, “Basta isa sa masasarap kai-nin,” tumatawang iling ng
aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.