KUMALAT sa social media kahapon ang ilang litrato ni John Lloyd Cruz na tila bumibili ng mga gamit pambata sa isang mall, kabilang na nga riyan ang stroller.
Ayon sa ilang netizens, natutuwa sila at humahanga kay John Lloyd dahil wala itong pakialam kung anuman ang sabihin ng mga tao habang ginagampanan niya ang kanyang “daddy duties” sa bagong silang na anak nila ni Ellen Adarna.
Ang paniwala ng mga followers ni John Lloyd, kuha ang mga nasabing photo sa loob ng isang department store sa Cebu ilang araw matapos mabalitang nanganak na ang kanyang girlfriend na si Ellen Chong Hua Hospital na matatagpuan din sa Cebu.
Hanggang ngayon ay wala pang official statement ang magdyowa tungkol sa pagsilang ng kanilang panganay na anak. Dedma lang sila sa mga naglalabasang balita about their son.
Pero kamakailan lang ay nag-post si John Lloyd sa kanyang Instagram para pabulaanan ang chikang bininyagan na ang kanilang anak. Tinawag pa niya itong fake news.