INAPRUBAHAN na Miyerkules ng gabi Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang provisional fare increase na P1.
Mula sa kasalukuyang P8, itataas sa P9 ang unang apat na kilometro na pasahe sa Metro Manila at mga lalawigan na nasa Region 3 at 4.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na dokumento ang inilalabas ang LTFRB, sakabila ng anunsyo. Dahil dito, hindi pa tiyak kung kailan magiging epektibo ang bagong singil sa pasahe.
“Kailangan po munang lumabas ang Order before the same can be implemented,” paggigiit ni Aileen Lizada, board member, sa text sa mga reporters.
Inaasahan naman na agad ding ilalabas ng LTFRB ang order
MOST READ
LATEST STORIES