Pagtulong ni Anne sa UNICEF tinawag na kaplastikan at ‘for publicity’ lang

TINAWAG na kaplastikan at “for publicity” lang ang ginagawang pagtulong ni Anne Curtis sa mga mahihirap nating kababayan.

Nag-post kasi ang Kapamilya TV host-actress sa kanyang Instagram account ng kanyang photo para sa bago niyang project for UNICEF, ang “Change For Good”. Matagal na siyang ambassador ng UNICEF at marami na rin siyang natulungang benefiaries ng nasabing international organization.

Ang IG post ni Anne ay kuha habang nasa loob ng eroplano pabalik ng Maynila mula sa Cagayan de Oro, lumibot ang aktres para mangolekta ng barya mula sa kanyang kapwa pasahero.

Caption ni Anne, “I was able to collect 3 full bags! Salamat sa Lahat ng passengers and thank you for renewing this program with us! I truly hope this becomes a LIFETIME partnership!”

Marami ang pumuri sa kabutihang-loob ni Anne pero may mga nambasag din sa ginagawa niyang pagtulong.

Ayon sa IG user na si @iamtoni1995, “Pag artista for sure laging malaki halaga binibigay ng mga tao pero pag ordinary ewan ko nalang. D naman sa nagiging harsh ako or may binabangga akong tao. Im just being honest.”

Sinang-ayunan naman ito ng ilang netizens, anila bakit daw kailangan pang manghingi ni Anne ng barya mula sa mga pasahero ng eroplano, sana raw sariling pera na lang niya ang i-donate sa UNICEF. Hindi naman daw siguro mauubos ang kayamanan niya sa pagtulong sa mga benefiaries ng nasabing charitable institution.

“Tsk tsk… Can’t help but think that these act of ‘kindness’ that celebrities do is all for publicity… SMH,” komento ng isang basher.

Hindi ito pinalagpas ni Anne, paliwanag niya, “With all due respect madam, trust me, I do my own part and donate from my own pocket on many other different occasions to UNICEF and my own foundation Dream Machine.

“BUT for this specific project, the main goal is using where I am to INSPIRE others to do good and donate the loose change—ONLY IF THEY CAN.

“This program along has raised 40 million person and has helped children all over the Philippines.

“So, yes, I am proud to be part of a project that is making a difference in this world and will continue to use all my social media platforms to raise awareness and help inspire other to make a difference in the world and help our fellow countrymen,” depensa pa ng Showtime host.

Hirit pa niya, “At least may ginagawa kami. Hindi nganga and puro complaining on social media instread of actually doing something.

“Sana po if you wanna get the chance to fly Cebu Pacific pag asa Pinas po kayo, mag donate din po kayo. Kung hindi nakakahiya sa inyo. And I, thank you. Sending love & light to you madam!”

Read more...