SA Paris nagbakasyon recently si Heart Evangelista. Sa pagkakaalam namin, solo siyang pumunta roon para aliwin ang kanyang sarili after niyang makunan. At habang nasa France, nagkaroon siya ng chance na makasama ang author ng “Crazy Rich Asians” na si Kevin Kwan.
Sa kanyang Instagram account, Heart shared a photo of her with Kevin Kwan kasama ang iba pang “It girls” na sina Michelle and Rachel Yeoh of Malaysia, and Feiping Chang of Hong Kong.
“Lovely company on my first evening in Paris,” ang caption ni Heart sa kanyang IG photo.
Because of this, may mga social media followers si Heart ang nag-comment na baka raw ka-join ang actress sa movie adaptation ng “China Rich Girlfriend,” the second book in Kwan’s “Crazy Rich Asians” trilogy.
“Hmmm… something’s cooking. I feel like you’re gonna be on his second film… Looking forward to it,” one netizen said.
Another one commented, “Could it be Heart as Colette Bing in ‘China Rich?’”
May isang netizen naman ang nagsabi na bagay na bagay kay Heart ang Colette Bing character sa movie adaptation ng “China Rich Girlfriend” kaya sana raw ay true nga ang chika that she’s already part of the project.
Ang pelikulang “Crazy Rich Asians” naman ay mapapanood na sa Amerika ngayong darating na August kung saan may special appearance ang Social Media Queen na si Kris Aquino na gaganap bilang isang “princess.”