Matteo asar-talo kay Liza, 6-pack abs, muscles pinagtripan sa taping

FLABS at hindi abs ang tingin ni Liza Soberano sa tiyan ni Matteo Guidicelli na kasama niya sa Bagani.

Pinaglaruan ni Liza ang nakita niyang tiyan ni Matteo while on a break sa taping ng kanilang
top rating show sa Dos.

Sa isang video ay nakunan si Matteo habang nakaupo sa isang chair.

“Tignan mo oh, may flabs na si Matteo,” comment ni Liza.

Para ipakitang may abs siya, Matteo, in another video, flexed his muscle to show his abs.

Just the same, hindi pa rin na-impress si Ganda (Liza) at sinabing “two packs” lang ang abs ni Matteo at hindi “six packs”.

Samantala, very supportive girlfriend pa rin kay Matteo si Sarah Geronimo. Present kasi ang Pop Royalty sa isang fashion event kung saan rumampa ang kanyang boyfriend.

Of course, very happy ang binata dahil talagang nag-effort si Sarah na panoorin siya. Grabe rin ang tilian ng fans nang saluhin ni Sarah ang t-shirt na inihagis ni Matteo sa audience.

Walang masyadong intriga sa relasyon ngayon nina Matteo at Sarah, parang tinantanan na rin sila ng mga malilisyosong tsismis from their detractors.

Sabi ng isa nilang supporter, baka pinaplano na raw ang wedding ng dalawa and one of these days ay mag-propose na si Matteo sa kanyang girlfriend.

Read more...